One year later... Pagod na umupo sa sofa si Samantha pagkadating na pagkadating niya sa kaniyang apartment. Tambak ang paperworks niya kanina sa trabaho kaya halos hindi siya nakapagpahinga kahit sa break time nila. Gayon pa man ay hindi nagreklamo si Samantha kahit pa ganoon karami ang trabaho niya araw-araw. Sa halip ay nagpapasalamat pa siya. Dahil noong bumalik siya roon, sa dating bangko na pinagtrabahuan niya, walang pagdalawang isip na tinanggap uli siya ng mga ito. At sa tulong din niyon ay nakasimula siya ng panibagong buhay. Kahit sobrang layo man sa dating buhay ang mayroon siya ngayon ay masaya at mapayapa naman si Samantha. Bagaman at sa loob-loob niya, tuluyan lang siyang magkakaroon ng peace of mind kapag nagkaayos silang muli ni Amanda. Pagkatapos ng mga nangyari at sa

