Inihanda ni Samantha ang sarili na magpumiglas mula sa pagkakayakap sa kaniya nang kung sino. Kinukundisyon na rin niya ang kaniyang lalamunan para sumigaw. Ngunit bigla siyang natigilan nang maramdaman niyang parang pamilyar sa kaniya ang init ng katawan nito. Pati na ang bulto ng katawan. Tila minsan nang yumakap sa kaniya ang matipunong braso at malapad nitong dibdib. Medyo nanlaki ang mga mata ni Samantha at dumagundong ang puso niya sa loob ng kaniyang dibdib. Tama ba ang hinala na naglalaro ngayon sa isip niya? "J-Jigsaw, ikaw ba 'yon?" nanginginig pa ang boses na tanong niya rito. Her heart kept on throbbing while waiting for him to answer. Kulang na lang ay pigilan niya ang kaniyang paghinga. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Hindi niya magawang lumingon o kumilos para hu

