Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ni Jigsaw habang hinihintay na dumating mula Washington ang pamilya nina Boss Hendrix at Ice. Nakaugalian na ng mga ito na tuwing Summer ay umuwi sa Pilipinas at magbakasyon sa isla. At palaging naroon sila ni Tristan para salubungin ang mga boss nila. Silang dalawa rin ang pinagkakatiwalaan na magbantay at magpanatili sa kagandahan ng isla at mansion. Kaya palitan silang dumadalaw doon. Mayamaya ay lumapad ang pagkakangiti ni Jigsaw, gayon din sina Tristan at Doc Ivan na nasa unahan niya, nang matanaw nila ang private plane ng mga Mejica. Hindi nagtagal ay lumapag na iyon sa dalampasigan at nauna nang bumaba ang mga bata. Nag-unahan sa pagtakbo at pagsalubong sa kanila si Elizah, ang limang taon at panganay na anak nina Boss Hendrix at KMJS. Kas

