CHAPTER 14- The Cold Billionaire's Nanny

3509 Words

Napahawak si KMJS sa batok ni Hendrix nang pumasok ang dila nito sa loob ng kaniyang bibig. Nang-aangkin ang bawat halik nito at nakakahibang. Hindi pa naman ganoon kapusok pero pakiramdam ng dalaga ay nawawala na siya sa tamang pag-iisip. Sabagay, kung sa simpleng paghawak nga lang sa kaniya ni Hendrix ay sobrang apektado na siya. Para siyang apoy na sumisiklab sa tuwing nagkakadaiti silang dalawa. Sa kabila ng naramdaman ni KMJS na kakaibang sensasyon sa kaniyang sistema nang mga oras na iyon na dulot ng bawat halik ni Hendrix ay sinubukan pa rin niya itong itulak. Naalala niya ang nangyari kaninang umaga. Natatakot na siya na maulit iyon at masaktan na naman ang damdamin niya. Ngunit ang higit na pumipigil sa kaniya ay ang takot niya na baka kapag tumugon siya ay lalo lang mahuhulo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD