"Hayaan mo ako na manatili muna rito sa Dumaguete at samahan ka," masuyong saad ni Hendrix pagkatapos siya nitong marubdob na hinalikan at hindi niya napigilan na tugunin. "Mag-usap tayo. You will listen to me and I will do the same. After that, patunayan mo sa'kin na hindi ka nga buntis. At kapag tama ka, aalis na ako. Hindi na kita guguluhin pa. Babalik na ako sa isla--" "At sa asawa mo?" puno ng pait na tugon ni KMJS. "At paano naman kung buntis nga ako, Hendrix? Paano ka nakakasiguro na sa'yo nga ang batang dinadala ko? Na hindi kay Jigsaw o kay Tristan?" Hindi alam ng dalaga kung bakit na lang iyong lumabas sa bibig niya. Siguro dahil gusto lang niyang sukatin kung hanggang saan ang sinasabi nitong damdamin para sa kaniya. Awtomatikong dumilim ang anyo ni Hendrix at bumitaw ang kam

