Lumipas pa ang maraming araw. Nanatili at nagtiis pa sa isla si KMJS alang-alang sa pagmamahal niya kay Hendrix. At sa bawat araw na iyon ay lalo lang lumalalim ang pag-ibig niya rito. Ngunit the more na kumakapit siya ay the more din na nadudurog ang puso niya. At batid ng dalaga na kaunting-kaunti na lang ay malapit nang bumigay ang puso niya. Isang araw ay nagising si KMJS na sobrang sama ng kaniyang pakiramdam. Parang binibiyak ang kaniyang ulo at nanginginig ang buong katawan niya. Lamig na lamig siya kahit nakapatay naman ang aircon at electric fan. Maaraw din sa labas at maganda ang panahon. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit parang pakiramdam niya ay mamamatay na siya. Natigilan ang dalaga nang maalala niyang tatlong linggo na lang pala at kaarawan na niya. Senyales kaya an

