"Anak, hanggang kailan ka ba magiging ganito?" Napakisap nang dalawang beses si KMJS nang marinig ang boses na iyon ng kaniyang ama na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kaniya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa hagdanan ng maliit na kubong tinutuluyan nila simula nang umalis siya sa isla. Bahay iyon ng kaniyang tiyuhin sa Dumaguete, kapatid ng kaniyang ina. Naroon sila upang patuloy na maghanap ng milagro. Dalawang linggo na rin simula nang iwanan niya sa isla si Hendrix at isang linggo na lang ang natitira sa kaniyang buhay. At habang palapit nang palapit ang kaniyang kaarawan ay palala nang palala ang masamang pakiramdam na naramdaman niya noon sa isla. Mukhang bukod sa sawing puso ay mamamatay siyang bigo na matupad ang kaniyang goal na makapag-iwan ng malaking halaga para sa ka

