Sa dalawang linggo na pananatili ni KMJS sa bayan na iyon ay medyo nakabisado na rin niya ang kinalakhang lugar na iyon ng kaniyang ina sa Dumaguete. Kaya hindi na siya nagpasama sa kaniyang Tiyo Armando nang pumunta siya sa bayan nang sumunod na araw para magpa-check up. Sabagay, maliit lang naman iyon kaya mabilis lang matunton ang mga lugar na gusto mong puntahan. Hindi katulad sa Maynila. Isa pa, hindi rin puwede na isama niya ang kaniyang tiyuhin dahil baka hindi nito mapigilan na sabihin kay Tatay Asyong kung saan sila pumunta. Pagbaba ng jeep sa terminal ay naglakad lang si KMJS para makapagtanong-tanong siya kung saan may OB-GYNE clinic o kahit health center man lang. Ang sabi kasi ng mapagtanungan niya kanina ay nasa kabilang bayan pa raw ang ospital. Doon pa naman siya nag-mes

