May ilang araw na rin na kasama ni Hendrix sa isla si KMJS. Kahit anong gawin niyang pagsusungit dito ay talagang ayaw nitong umalis. Hindi naman nito problema ang magiging biyahe dahil siya pa mismo ang nag-alok ng private plane na sasakyan nito pabalik ng Maynila. Sinubukan din niya itong bigyan ng cheke na nagkakahalaga ng limang milyon para lang iwanan siya sa islang iyon. Pero pinunit lang iyon ng dalaga. Kung tutuusin, hindi hamak na mas malaki ang limang milyon sa halaga ng perang balak nitong nakawin sa kaniya noon. Na-curious tuloy siya kung gaano ba kalaki ang offer dito ng kapatid niya para makipagmatigasan ito sa kaniya. "Two million pesos lang?" hindi makapaniwalang bulalas ni Hendrix nang aminin sa kaniya ni Vivian ang naging kasunduan nito at ng Yaya niya. Ayaw pa sanang

