"Kuya Hendrix, where are you?" "Nandito sa office. Nagkakape," kalmado lang na sagot ni Hendrix kay Vivian mula sa kabilang linya. "Really? Talagang nagawa mo pang magkape? Dadalhin na namin sa ospital si Kathleen. Manganganak na siya, Kuya! Tapos ikaw, pa-relax-relax lang diyan?" Muntikan nang maibuga ni Hendrix ang hinihigop na kape nang marinig niya ang sinabi ni Vivian mula sa kabilang linya. Kaya pala may urgency sa boses nito pagbungad pa lang. "What? Bakit hindi mo sinabi agad? At akala ko ba next week pa ang due date niya?" sunod-sunod na tanong ni Hendrix bagaman at hindi na siya magkaundagaga sa pag-aasikaso ng mga gamit sa lamesa para itabi ang mga iyon. "Anong hindi? Nakailang text at missed calls na kaya ako. Kasalanan ko ba kung hindi ka tumitingin ng cellphone mo? God!"

