"Nasa baba na si Kuya Zandro. Bababa na ko," paalam ni Ysa sa kanya. "Make sure na babalik ka Ysa," sagot n'ya. Hindi na n'ya ito liningon. Nanatili s'yang nakaupo sa tapat ng mini bar, at patuloy sa pag inom. Wala s'yang narinig na sagot mula sa asawa. Narinig lang n'ya ang pagbukas at pagsara ng pintuan. "Bullshit!" Hiyaw n'ya. Sabay bato sa hawak na kopita. Malakas na bumagsak 'yon sa sahig at nabasag. Galit s'ya sa sarili n'ya. How come na naloko s'ya ng isang tulad ni Ashley? How come na agad s'yang nagtiwala kay Ashley. Ganoon na ba s'ya kasabik magka anak, kaya tinanggap na lang n'ya bigla ang sinabi sa kanya ni Ashley. Aaminin n'yang naiinis s'ya at nasaktan rin naman sa ginawa sa kanya ni Ashley. Pero mas nasasaktan s'ya para kay Ysa. Ilang beses ba n'yang mumuntikan patayin