Nanatiling walang kibo si Harry sa tanong n'ya rito. Hinayaan na lang n'ya muna ito. Alam n'yang nasaktan ito sa nalaman. S'ya man ay naguguluhan pa at hindi makapaniwala sa nalaman n'ya. Isa lang ang tanong sa isip n'ya. Sino ang ama ng batang dinadala ni Ahsley noon? Tanong na tila kailanman ay hindi na nila mahahanapan pa ng sagot. Wala na si Ashley. Baka nagtatago na rin ang lalaking nakabuntis kay Ashley, na marahil ang lalaking 'yun din ang nagdala kay Ashley sa Abortion Clinic na 'yon, para ipalaglag ang bata. Naisip n'yang baka hindi pumayag si Ashley. Kaya nagtungo ito sa New York para marahil makapag-isip ng tama. At doon nito nakilala si Harry. Ayun sa kwento ni Harry, unang araw palang ng pagkikita ng dalawa ay sumama na rito si Ashley. At may nangyari na agad sa dalawa. Kanin