Buong lakas niyang tinulak si Harry palayo sa kanya. Nagawa niya. At mabilis na umigkas ang kamay niya para sampalin ito sa ginawa nitong paghalik. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito. "Bastos!" hiyaw niya. Mabalasik ang mukha nitong tumingin sa kanya habang nakahawak sa pisnging sinampal niya. "Don't ever do that again! Don't kiss me again!" sigaw niya. Nang biglang bumukas ang pintuan sa likuran niya, tumama ang pinto sa likod niya. Napatili siya nang itulak siya ng pinto palapit kay Harry. Tumitili siya nang maramdamang susubsob siya rito. Maya-maya lang, nasa bisig na siya ni Harry. Nasalo siya nito. Hindi siya nito hinayaang bumagsak sa sahig. Napayakap siya rito nang mahigpit. "Ooh," tinig ng lalaking pumasok. Nanlalaki ang mga

