Sunud-sunod ang lunok n'ya. Hindi malaman kung saan mag fo-focus kung sa magandang mukha ng asawa at katawan. O sa sinasabi nito. Nasa loob s'ya ng opisina n'ya at pinagpapawisan s'ya ng hindi n'ya maintindihan. Nagising na rin ang alaga n'yang nagnanais makawala mula sa slacks n'ya. Marinig lang ang nang-aakit na tinig ng asawa ay nagwawala na ang alaga n'ya sa loob ng slacks. "Ysa," sambit n'ya sa napakagandang pangalan ng asawa. Nakatingin sa kanya ang magandang asawa na may lungkot sa mga mata. Lasing ito kaya marahil malakas ang loob nitong akiti s'ya kahit sa video call lang. Dala ng alak inamin nito ang damdamin nito para sa kanya. Walang dahilan para hindi s'ya maniwala. Kahit sabihin pa nito kinabukasan na hindi nito naaalala ang lahat. Sapat na para sa kanya ang marinig mul