Two months later... HINDI napigilan ni Jeany ang pag-init ng kaniyang mga mata habang tinitingnan si Nicolo na tuwang-tuwa sa pag-akyat niya sa stage para tanggapin ang kaniyang Certificate of Completion in Culinary Arts Program. Emosyonal ang dalaga dahil kahit hindi man niya nabuo ang ten months program, hinayaan pa rin siya ni Yule at ng kaniyang mga instructor na makaakyat ng stage. Binigyan na lang siya ng mga special activity na ginawa sa mismong restaurant ni Yule, kung saan ay naroon din ang kaniyang mga instructor. At naipasa naman niya ang mga iyon. "Congratulations, my angel!" tuwang-tuwa na bati ni Nicolo kay Jeany habang pababa siya ng stage. Napatili siya nang bigla siya nitong buhatin at inikot sa ere. "I am always proud of you." Napahagikhik na lang ang dalaga nang iba