NAGISING si Jeany sa tila nagkikislapang mga bagay sa paligid. At nang magmulat siya ng mga mata ay sinalubong ang kaniyang paningin ng palubog na araw. Ngunit ang higit na nakaagaw sa atensiyon ni Jeany ay ang napakatayog na tower. At doon nagmumula ang nagagandahang twinkling lights. Bumalikwas ng bangon si Jeany. Para lang malaman na hindi na ang kulay peach na casual dress ang suot niya, na isinuot niya kanina sa pag-akyat sa stage. Sinipat niyang mabuti ang sarili. Isang color brown at open coat na lagpas hanggang tuhod ang suot niya. Sa loob niyon ay isang kulay-itim na slip dress na may spaghetti strap, at halos kasing haba lang ng open coat. Color black din ang suot niyang quilted heels. Nakita ni Jeany sa kaniyang kamay ang isang gold bracelet. Bakit ganito ang hitsura ko? Nas