KAPWA hinihingal sina Jeany at Nicolo nang sandaling tumigil ang walang-habas na paghahalikan nila. Mula sa rooftop hanggang sa kanilang hotel room ay naglabanan ang kanilang mga bibig at dila na punong-puno ng intensidad. Habang naghahalikan ay sabay nilang inalis ang kani-kanilang coat at inihulog lang iyon sa sahig. She was already drenching wet underneath. Ganoon talaga siya kabilis pagdating kay Nicolo. At ganoon din naman ito sa kaniya. Dahil nang tingnan ni Jeany ang harapan nito, handang-handa na rin ito katulad niya. "Are you ready for our firstborn, my angel?" pilyong tanong ng nobyo habang humahakbang ito palapit sa kaniya. Humagikhik si Jeany. "More than ready." Umatras siya habang lumalapit sa kaniya si Nicolo hanggang sa bumagsak ang likod niya sa kama. Ngumisi ito at