"DIYAN ako nag-aral ng high school, Sir Nic, o." Itinuro ni Jeany kay Nicolo ang isang eskuwelahan na hindi kalakihan na nadaanan nila. Papunta sila sa kulungan para dalawin si Tiya Selena bago sila umuwi sa Manila nang araw ding iyon. "I know, my angel," nangingiting tugon ni Nicolo at nilingon siya sandali. Pagkatapos ay muling nag-focus sa pagmamaneho. Kumunot ang noo ni Jeany. "Ha? Paano mo nalaman? Alam ko na hindi ko pa iyon naikukuwento sa'yo." Gamit ang isang kamay ay hinawakan ni Nicolo ang kamay ng dalaga at pinisil iyon. "Magagalit ka ba sa'kin kung sasabihin ko na bago ka pa man dumating sa bahay ay marami na akong alam tungkol sa'yo? Dahil ang totoo, inimbestigahan kita para siguruhin na safe ka nga para kay Elliana at kay Gwen." Lalong gumuhit ang pagkagulat sa mukha ni J