TUWANG-TUWA si Jeany nang makita ang bagong hitsura ng dati nilang bahay. Kulay-pula at magandang klase na ang dating yero na butas-butas at puro kalawang. Naging French window na may grills sa labas ang mga sirang jealousy. Ang dating warak na pintuan naman ay napalitan na rin nang mas maganda at mas matibay na yari sa mamahaling kahoy. May pintura na rin na kulay-puti ang mga pader na dating walang kulay at puro lumot. Wala na ang mga patay na halaman at napalitan na rin ng magagandang bulaklak na nakalagay sa mga makukulay na paso. May maliit na gazebo na malapit sa ilalim ng punong-mangga. Ang buong paligid naman ay napapalibutan ng mataas at matibay na pader. Napaluha si Jeany habang pinagmamasdan ang buong paligid. Ibang-iba iyon sa orihinal na ayos. Pero masaya siya dahil mas gum