"YOU'RE staring at me again, my angel..." Napakurap si Jeany nang magsalita si Nicolo pagkatapos siyang mahuli na nakatingin dito. Katatapos lang nitong mag-ihaw ng isda at ngayon naman ay naghahanda na ito ng pagkain nila. Nasa tabing dagat pa rin sila. Bukod sa bonfire ay may dala rin silang emergency light. Ilang beses na silang nagsalo sa mainit na sandali sa dalampasigang iyon. Pumapasok lang sila sa camping tent para magpahinga, na nauuwi rin naman sa kapusukan nila. "Noong yaya ka pa lang ni Elliana, lagi rin kitang nahuhuling nakatingin sa'kin," dagdag pa ni Nicolo at inilapag sa harapan niya ang inihaw na tambakol, at kanin. "Hindi na lang kita sinisita kasi gusto ko rin naman kapag ninanakawan mo ako ng ganiyang tingin, eh." Napangiti si Jeany. Kinilig siya. "Hindi ka na-a-aw