NAPANGITI si Nicolo nang marinig ang malulutong na tawa ni Jeany habang gumagawa ng sand castle. Tuwang-tuwa ito na binabalik-balikan ang paborito raw nitong gawain noong kabataan kapag nasa dagat at kasama ang mga magulang. Nandito sila ngayon sa dagat na twenty minutes ang layo mula sa lumang bahay nina Jeany. Dinala niya muna rito ang nobya habang pinapaayos iyon. Night swimming ang napagkasunduan nila kaya lubog na ang araw nang dumating sila at wala ng katao-tao. Sa hotel sila tumutuloy habang hinihintay na matapos ang lahat ng kailangan nila rito sa Cebu. Tumawag na lang sa superior niya si Nicolo at nagpaalam na ngayon niya gagamitin ang dapat ay bakasyon pa niya. Muling naagaw ang atensiyon ni Nicolo nang lumakas ang tawa ni Jeany na nakikipaghabulan sa mga alon. Lalo siyang