"HMM... Sir Nic, okay lang ba kung hintayin mo na lang ako sa sasakyan?" Ipinakita ni Jeany kay Nicolo ang isang basket ng bulaklak na hawak niya. "K-kung okay lang... Dadalawin ko sana si Morgan. Malapit lang din dito ang puntod niya, eh. Promise, sandali lang ako." Inakbayan siya ni Nicolo na nakangiti. "Bakit naman hindi okay sa'kin? Sasamahan pa nga kita, eh." "Salamat na lang, Sir Nic. Pero huwag mo na akong samahan. Dadalawin ko lang siya sandali. Baka sabihin niya, nakalimutan ko na siya." "But I insist. Gusto ko ring makilala ang ex mo," nasa boses ni Nicolo ang determinasyon. Kinuha sa kamay niya ang basket ng bulaklak. "Gusto kong makilala ang isa pang tao na minsan ding nagmahal at nagpahalaga sa angel ko." Determinado talaga ang kasintahan na samahan siya sa puntod ni Morga