"HELLO, Nanay. Hello, Tatay. Nandito na po ako uli... Sorry kung ngayon ko lang kayo nadalaw. At sorry po kung sa ganitong pagkakataon pa. Miss na miss ko na po kayo." Gumuhit ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Jeany habang nakatunghay sa puntod ng kaniyang mga magulang. Yumukod siya para ibaba ang dala niyang mga bulaklak. Pagkatapos ay sinindihan niya ang mga kandila. Habang inilagay naman niya sa isang sulok ang isa pang basket ng bulaklak at tatlong pirasong kandila. "Sorry po, Nanay, sa nagawa ko sa pamilya ni Tiya Selena. Patawad kung mas pinili ko ang lalaking mahal ako kaysa sa pamilya na hindi naman ako kayang mahalin." Napahikbi si Jeany nang maalala ang nangyari sa kaniyang tiyahin. "S-sana po maintindihan n'yo ako, Nanay, kung gano'n po ang ginawa ko kay Tiya Selena." Nan