"YOU own this place?" tanong sa kaniya ni Nicolo nang makarating sila sa tinitirhan niyang townhouse sa San Juan. Karga-karga nito ang tulog pa ring si baby Nico. "Rent to own ito. Three years to pay at monthly ang bayad. Sa awa ng Diyos, naka-one year na rin ako," kaswal na sagot ni Jeany habang binubuksan ang maindoor. "Mas okay dito kasi malapit lang sa resto." "Bakit umuupa ka pa? Bakit hindi ka na lang bumili ng bahay mula sa pinagbentahan mo ng mga property na ibinigay ko sa'yo noon?" Napahinto sa paghakbang si Jeany nang marinig ang tinuran ni Nicolo. Wala namang bakas ng pang-iinsulto ang boses nito ngunit hindi maikaila ang paghihinampo. "Kagaya nga nang sinabi ko sa'yo, ibinenta ko lang ang mga iyon para pasakitan ka." Bahagya niya lang nilingon ang binata. "Pero wala akong ba