Chapter 92

2136 Words

NAGMAMADALI si Jeany nang araw na iyon na pumunta sa bahay ni Yule para sunduin si baby Nico. Paalis na raw kasi ito dahil may biglaang meeting sa school. "Ay, nagkasalisi po kayo ni Sir Yule, Ma'am Jeany," bungad sa kaniya ni Mang Nestor. "Halos kaaalis lang din niya, eh." "It's okay po. Salamat." Naulinigan niyang may sinasabi pa si Mang Nestor nang talikuran niya ito. Ngunit hindi na niya iyon narinig dahil nag-ring ang kaniyang cellphone. Ang event planner iyon ni Brandon at nagse-set ng bagong appointment para sa additional na food menu. Eksaktong natapos ang pag-uusap nila ng event planner nang makarating sa garden si Jeany. Natigilan siya nang makitang may kalaro si baby Nico. At hindi si Yule kundi si Nicolo. Nagdi-dribble ito ng bola na para bang tinuturuan ang kanilang anak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD