MAHIMBING pa rin ang tulog ni baby Nico nang magising si Jeany. Kaagad niyang hinanap sa paligid si Nicolo. Nakita niya itong nakaupo sa gilid ng bintana na para bang ang layo-layo ng tingin. "C-can we... Talk?" kuha niya sa atensiyon ng dating nobyo. Napakislot ito nang makita siya. "Sure." Tumayo ito at hinila ang isang couch at pinaupo si Jeany. "Thank you." Umupo si Jeany na may dalawang hakbang ang layo mula kay Nicolo. Nakakatawa na para silang estranghero sa isa't isa. Samantalang dati ay nagyayakapan pa sila. Na kahit ang hangin ay nahihirapang dumaan. "T-tungkol nga pala sa pagpunta ko rito. Wala akong balak na manggulo. Gusto ko lang na magkakilala kayo ng anak natin. Nag-promise kasi ako sa kaniya na hindi kita ipagkakait sa kaniya. At may karapatan ka rin naman sa kaniya."