HINDI pa man gaanong lumilipas ang init sa kanilang mga katawan ay pinaharurot na ni Nicolo ang sasakyan nito palayo sa parking lot ng Shangri-La Plaza. "Saan mo ba ako dadalhin? At bakit hindi mo man lang ako pinagsuot muna ng bra at panty?" Bahagya siyang nilingon ni Nicolo na may pilyong ngiti sa mga labi. "Bakit ka pa magsusuot, eh, huhubarin ko rin naman iyon mamaya? Makakasagabal pa ang mga iyon. Or worst, mapapasama pa sa mga pupunitin ko." Naramdaman ni Jeany ang pag-iinit ng kaniyang mukha. "Sira ka talaga! Eh, kung kinabag ako? Eh, 'di napautot pa ako rito sa kotse mo." Ang lakas ng tawa nito dahil sa sinabi niya. "Anong bago roon? Nakalimutan mo na ba na pati kulay ng utot ng isa't isa ay alam na natin? Pati nga vibration ay kabisado na natin, eh." She laughed too, no, her