DUMALAW si Nicolo sa bahay ng kaniyang mga magulang para ibalita sa ama ang mga nangyayari sa kumpanya. Habang naghihintay ay kinuha niya ang isang vintage guitar na nakasabit sa wall. Gitara pa iyon ng kaniyang ama noong kabataan nito. Sinimulan niya ang pag-strum at kinanta ang isa sa favorite song niya noong elementary pa lang siya. Ang "Nanghihinayang" ni Jeremiah. "Nanghihinayang, nanghihinayang ang puso ko. Sa piling ko'y lumuha ka lang. Nasaktan lamang kita." Tumigil sa pag-strum at pagkanta si Nicolo nang may pumalakpak mula sa kaniyang likuran. Nalingunan niya ang kaniyang ina na may matipid na ngiti sa mga labi. Nang ngitian din niya ay saka pa lang ito lumapit sa kaniya at umupo rin sa sofa. "Ang galing mo pa rin, hijo. Manang-mana ka talaga sa daddy mo," puri sa kaniya ni M