CHAPTER 52 FLASHBACK 2

2402 Words

"Kailangan natin hintaying humupa ang bagyo. Hindi tayo makakalabas hangga't hindi humuhupa ang baha," sabi ko habang tumatanaw-tanaw sa labas ng kuweba. Umuulan pa rin at medyo malakas pa rin ang hangin. Gabi na naman at papayang hinog lang ulit ang nakain namin. Ni wala kaming mainom dito na kahit kaunting tubig. Medyo natuyo-tuyo na ang mga suot naming damit sa sarili naming katawan. Masyadong malamig ang panahon. Dumampot ako ng bato at sinubukang pagkiskisin. Pinag-aralan namin ito eh, para makagawa ng apoy. May mga napulot akong mga putol-putol na tuyong mga kahoy at dahon dito sa loob ng kuweba. "What are you doing?" tanong niya habang namamaluktot sa pagkakahiga dahil sa lamig. Tanging jacket ko lang ang ginagawa niyang kumot na bahagyang natuyo na. "Magtatambol, kakanta ako e

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD