Chapter Twenty-seven "Sassy, hindi ako gutom," iyon ang sagot ko kay Sassy sa panglimang beses na tinanong ako nito. Nagbabasa kasi ako ng book, nakahiga ako sa hammock, at dito sa parteng ito ng mansion nakahanap ng tahimik na pwesto. "Ma'am, masarap iyong ulam. Sure ka?" "Hindi ako gutom. Busog na busog pa ako," napabuntonghininga ang babae. Saktong nag-ring ang phone nito. Lumayo ito ng kaunti, pero kung magsasalita naman ito ay tiyak na maririnig ko. "Gov? Si ma'am po... hindi po sumasagot ng tawag? Busy po siya," nakasilip na ako sa babae. "Nagbabasa po kasi ng libro... libro po... paano pumatay ng asawa ng walang ebidensya," tinignan ko ang libro na hawak ko. Hindi naman iyon ang title no'n. "Hindi pa po kumain, gov. Wala raw po siyang gana dahil hindi ka niya kasabay---" "Sa