Chapter Twenty-eight Nakasunod kami kay Sassy pauwi ng mansion. Baka minumura na ako ng babae sa isip niya. May pasinghot-singhot pa ito na kunwari'y umiiyak. Sinilip ko kanina, fake naman ang luha niya. Kaya cancel ang awa. Hawak-hawak nito ang damit kung saan ay roon namin inilagay ang mga palakang nahuli. Mahigit 15 iyon at plano talagang lutuin. Gusto kong i-try. "Sassy, baka makawala. Ayusin mong mabuti." "Huhu!" drama ng babae. "15 iyan, Sassy. Kapag kulang ng isa ay maghahanap ka pamalit talaga," kaya mas lalo nitong inayos ang pagkakahawak sa laylayan ng damit niya. Wala kasing plastic, walang ibang lalagyan. Kaya damit ni Sassy ang isinakripisyo. Suot pa rin naman n'ya, iyong laylayan nga lang ay bahagyang nakatakas para hindi mahulog. Pagdating namin sa mansion, habang papa