Chapter Twenty-nine Carrie Del Pietto: "Garrie, is it true na pupunta kayo sa kabilang lalawigan para mag-sky diving?" Carrie Del Pietto: "Nasisiraan ka na ba ng bait? Nagrerebelde ka naman na yata masyado." Dalawa kaming nagbabasa ng gobernador sa message na iyon ni Carrie. Magkatabi kasi kami sa sasakyan habang umusad iyon. Nasa biyahe na kami para gawin ang isa sa pangarap kong gawin. "Garrie, I'm really sorry. Nalaman ni Carrie iyong planong sky diving dahil sa akin," bakas naman sa tinig nito ang guilt. "Tinanong kasi niya ako kagabi kung pwede ko siyang puntahan pero sinabi ko ang plano nating biyahe ngayon. Nasabi ko na gagawin natin ang isa sa pangarap mong gawin... sky diving. Hindi ko naisip na possible na magalit siya at i-message ka ng ganyan---" "Okay lang iyon. Mamaya