Chapter Twenty-five "Bodyguard kayo, dapat pinipigilan ninyo si ma'am sa mga ganitong activity dahil delikado! Paano kung magasgasan iyan o mabalian ng buto?" "Sassy, hayaan mo si ma'am na gawin ang mga nais niyang gawin. Maiksi lang ang buhay---" "Kaya hahayaan ninyong mas umiksi ang buhay niya?" exaggerated na ani nito. Nagre-ready na kami sa next activity pero ito si Sassy, nangungumbinsi pa rin na huwag akong hayaang gawin ang trip ko. "OA mo, Sassy. Kayang-kaya ni Ma'am Garrie iyan. Basic lang sa kanya iyan. Kung hahayaan niyang manaig ang takot sa kanya... ang boring ng gano'n." "Let's go!" yaya ko sa kanila. Nagpupulasan na kasi sa cottage ang mga kasama namin sa tour. "Ma'am!" ani ni Sassy. Mas stress pa yata ito kaysa sa akin na may pinagdaraanan sa buhay. "Go, Ma'am G