MIYERKULES ng hapon ay inagahan ni Maya ang pasok sa bar dahil naka-leave umano si Brian. Mag-isa siyang magdu-duty hanggang gabi. Hindi naman dumadagsa ang tao sa tuwing Miyerkules kaya madalas isang bartender lang ang naka-duty per shift. Sabado at Linggo lang ang maraming customer kaya dalawa ang bartender, minsan tatlo lalo kung merong events sa VIP room. Sabay sila ni Even na pumasok at tumambay pa ito sa counter. “Ang aga mo, ah,” aniya. “Siyempre, kasi sabi ni Marlon pupunta siya rito,” ani Even. “Bakit? Inimbita mo na naman siya mag-dinner dito. Nako! Huwag mo hayaang ikaw ang laging gagastos para sa lalaki.” “G*ga hindi! Ewan, sabi niya pupunta siya rito at may gagawin.” Naisip naman niya na baka inutusan ni Yoshin si Marlon na magmasid sa kan’ya. Umalis na rin ang asawa niy