ALAS-DOS na ng madaling araw nakauwi si Maya at nagulat siya dahil nasa bahay na si Yoshin. Nadatnan niya ito sa kusina at nagluluto ng sausage. Nasabik siya nang makita ito. May apat na araw rin itong wala kaya bagot na bagot siya sa bahay. “Dumating ka na pala? Anong oras ka nakarating?” tanong niya. “Two hours ago,” tipid nitong tugon. Nilapitan niya ito at niyakap sa likuran. Noong mga nagdaang araw ay naging busy sila pareho sa pag-asikaso sa mga kailangan nila sa negosyo. May naireto na magaling na engineer si Vladimir sa kanila para magtayo ng bar at restaurant. Wala pang update si Yoshin kung ano na ang plano nito sa negosyo. “Alin ba ang uunahin natin, kasal o business?” tanong niya rito. “Of course, the wedding. The business can wait. I already talked to the engineer and he