GINUTOM na ang mga lalaki at kaagad nilantakan ang mga pagkain nang ilatag ni Maya sa lamesa na sinapinan ng dahon ng saging. Boodle fight ulit sila at nagkakamay lahat kumain habang nakatayo palibot sa mahabang lamesa. Ayaw pa sana makihalubilo ni Yoshin sa grupo ni Darwin pero binulungan niya. “Matuto kang makisama lalo’t dayo ka rito, Yoshin. Mag-adjust ka at alisin ang insecurities at inis kay Darwin,” aniya. “I’m just uncomfortable talking to him,” anito, pabulong din. Magkatabi lang sila nito na nakatayo sa harap ng lamesa. “Eh, ‘di limitahan mo ang makipag-usap, pero huwag mo siyang tingnan nang masama. Napapansin ka niya. Kahit naman ganyang mayabang si Darwin ay palakaibigan ‘yan. At once naging close kayo, matutuwa ka rin sa kan’ya.” Hindi na ito kumibo at nagpatuloy sa pag