NAGULANTANG si Maya nang magmulat siya ng mga mata ay katabi na niya si Yoshin sa kama. Hubad-baro ito at itim na brief lang ang suot. Wala itong abiso na uuwi ito sa araw na ‘yon. Maaring kararating lang nito dahil mamasa-masa pa ang buhok, naligo malamang bago natulog. Tinamad na tuloy siyang bumangon at na-miss niya ang kan’yang asawa. Sinabayan niya itong matulog ulit. Mag-uumaga na rin siyang natulog kaya bitin pa ang oras. Kailangan niya ng sapat na lakas dahil may duty siya sa bar at singing gig. Tanghali na ulit nagising si Maya at kaagad siyang nagluto ng tanghalian. Habang tulog pa si Yoshin ay nilubos niya ang pagkakataon na maglinis. Nadi-distract kasi siya kung gising ito at kinakausap siya. Naisalang na niya sa oven ang marinated tuna belly. Saka na siya magluluto ng gulay