NA-DIVERT ang atensyon ko kay Charles. Sabi ko sa sarili ko maglalaan ako ng oras para sa kanya. Why not naman 'di ba? Crush ko din naman siya. Sabi nga ni Philip love starts with that. Sige nga titignan ko nga. Lahat kasi nang naging nobyo ko ay Crush ko. Kaya nga hindi ko masagot sagot si Travis kahit mayaman 'yon. Nasusuka kasi ako. Ngayon, iniisip ko na good catch talaga kahit saang angulo tignan si Charles. Para akong nakabingwit ng malaking isda sa karagatan. Isa pa, 'yong pagiging babaero kuno niya noon. Okay lang 'yon. Nagbabago naman ang tao. Give chance ika nga. Etong si Philip masyadong negative. Feeling hindi na magbabago si Charles. Bakit kilala niya ba 'yong tao. "I guess I need to end this call now? May pasok ka pa bukas," sabi ni Charles. Tsaka ko na-realize na maaga nga