Sa pangatlong araw ni Alwin sa ospital ay kailangan ko ng pumasok. Hindi pa din siya nagigising, bandang alas-onse ng tanghali ng nakapag-ayos ako para pumasok na sa school. Kailangan ko kasing makapag-take ng exam sa dalawang minor subjects ko. "Pupunta lang ako ng school," bulong ko sa tainga niya. "Nahiya ka pa. Halikan mo na, hindi ka naman niya masisinghalan. Tulog," sulsol ni Almira habang nakangisi. Nakatayo siya sa hamba ng pintuan ng banyo. Mahina din akong tumawa at umiling. "Naku. Hindi mo na magagawa iyan sa sunod na mga araw," aniya. Ngumiti lang ako. Sinabihan ko na kasi sila na aalis na ako kapag maging okay na si Alwin. Sa bahay na muna ako nina tita tutuloy. Nakiusap naman ang mommy nila na baka puwede na tapusin ko na lang ang graduation. Mukhang matagal pa na