Hindi pa niya kayang kumain mag-isa dahil bugbog ang kamay at braso niya. Madami din itong sugat na marahil ay galing sa mga nabasag na salamin ng sasakyan niya kaya naman kailangan siyang subuan. Tinapat ko sa kaniya ang kutsara na may sabaw. Hinanda ko ang sarili ko sa anumang gagawin niyang pagtanggi, pero hindi niya ginawa. Sinubo niya ito. Nangiti ako sa isip-isip ko. Narinig ko ang palatak ni Almira na nakaupo sa couch at ang pagsita ng mommy nila. Nakalahati na niya ang sabaw ng dumating ang mommy at daddy ni Tristan. Nagulat pa sila ng makita kami sa ganoong ayos ni Alwin. Bahagya tuloy akong na-consious kaya naman maang akong tinignan ni Alwin. Hindi siya nagsasalita pero base sa facial expression niya ay malapit na naman siyang mainis. Ano na naman ang kinakainis nito?