Sinabon ko ng liquid bath soap ang towel para gamitin kong ipamunas sa katawan ni Alwin. Tapos na din siyang mag-tooth brush, na ako din ang gumawa para sa kaniya. Nakaupo na siya sa toilet bowl habang hinihintay ako na linisan siya. Suot pa niya ang hospital gown niya. Ramdam ko pa din hanggang ngayon ang panlalambot ng katawan ko dahil sa nangyari kanina. Halos manginig ang buong laman ko at parang ramdam ko pa din sa aking kamay ang balat ng kaniyang kaselanan. Nailing ako. "You're blushing," puna niya pero hindi ko na lang siya pinansin. Kung hindi niya kami kilala kaninang gumising siya ay maiisip ko na talagang nagka-amnesia siya dahil sa inaasta niya ngayon. O di kaya, nabura sa memorya niya si Pia? Bumuntong hininga ako. Advantage naman sa akin na maayos ang trato niya