Mhina "Salamat po, Doktora. Mauuna na po ako," nakangiti kong paalam kay Doktora Beltran habang bitbit ko ang ultrasound ng baby ko sa tiyan ko at supot ng mga vitamins ko na kailangan kong inumin. "Don't worry, Mrs. Delavega. Just follow all my advice, and your baby's development will be normal. Just visit me regularly, para mabantayan natin siya ng mabuti." "Yes, I will, Doc. Thank you po ulit." Tumango ako sa kanya bago tuluyan nang lumabas ng opisina niya. Napasandal ako sa nakapinid ng pinto. Bigla akong nanghina at hindi ko mapigilan ang maiyak. Hinaplos ko ang tiyan kong babahagya pa lamang lumalaki. "Patawarin mo si Mama. Simula ngayon, aalagaan na kita ng maayos. Nandito na si daddy kaya magiging okay na ako. Makakasama na rin natin siya ng mga kapatid mo." Kaagad kong pin