CHAPTER 46: Another Chance

1731 Words

Mhina Bigla akong napatulala at napanganga nang makilala kong si Daemon nga ang lalaking ito na may buhat na isang sako ng bigas sa balikat niya, hubad-baro, basa at maputik ang kalahati ng pantalon niyang suot hanggang sa mga paa niya at tanging sipit na tsinelas lang ang sapin niya. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko rin ang pagtakip bigla ni Ana sa bibig niya habang karga niya si Dandan. Maging si ate Joan din ay napatulala din sa kanya. "D-Daemon..." pabulong kong sambit sa sarili ko habang tila may mga kabayong nagkakarerahan na ngayon sa loob ng dibdib ko. Kaagad akong lumingon kay Papa na nasa kaliwang bahagi ko at maging siya ay nakatulala din kay Daemon. Ngunit kaagad din siyang nakabawi kasabay nang paggalaw ng panga niya at ugat sa sentido niya. Tuluyan nang nakalapit sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD