7. Candy

1522 Words
Chapter Seven "Miss, hindi ako kalbo," masungit na ani ng lalaki sa akin. Takang tinignan ko ito. Humakbang ako palapit. Matangkad ito kaya naman kinailangan kong tumingkayad. Para hindi masubsob sa dibdib nito ay humawak ako sa balikat nito. Ang isang kamay ay iniangat ko at muling hinawakan ang ulo nito. Awang ang labi ng lalaki. "Kalbo ka eh," napalabi pa ako. "Semi-kalbo pwede pa. Pero hindi kalbong-kalbo," giit nito. "Semi-kalbo? May kalbo pa rin iyon eh," ibinaba ko ang kamay ko saka umatras ng isang beses. "Hindi mo pa nasagot ang tanong ko." "Miss, hindi mo ako kilala. Pero sige sasagutin ko iyan. Maayos akong nagtratrabaho. Napaunlad ko ang San Gabriel sa unang pag-upo ko at pinalalakas pa. Dayo ka ba rito? Hindi mo pa ba nakita ang improvement ng lalawigang ito?" tanong nito sa akin. Ang tanong nito kung dayo ba ako ay nagpatigil sa akin. Paano kung malaman niyang dayo ako? Baka maghinala siya. Agad akong tumalikod at tumakbo palayo. "Miss!" tawag ng lalaki. Pero hindi na ako lumingon pa. Tinawag ako nito pero tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo palayo. Nakalabas na ako ng plaza. Sobrang daming tao. Siksikan pero kinaya ko sa liit ko ba naman. Nang naalala ko si Selsa ay sinubukan kong hanapin ito. "Selsa? Selsa?" tawag ko. Pero may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko ay nakita ko si ina. "Bakit ka lumabas ng plaza, Manika?" seryosong tanong nito sa akin. "I-na," hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Baka kapag sinabi ko rito na nawawala si Selsa ay baka tawagan nito si ama. "Nasaan si Selsa?" tanong nito sa akin. "Ina, nagkahiwalay kami ni Selsa dahil sa dami ng tao. H-inahanap ko po siya." "Bumalik tayo sa pwesto natin at baka roon bumalik si Selsa," tama ito. Kaya bumalik kami sa pwesto namin. Ngunit ilang oras na at natapos na ang sayawan pero walang Selsa. Kalmado lang si ina. Habang ako'y alalang-alala na. "Ina," tawag ko rito. "Umuwi na tayo, Manika. Baka roon na dumeretso si Selsa," hinila na ako nito paalis. Sinubukan ko pa rin namang hanapin si Selsa pero hindi ko na talaga ito nakita. Nakabalik kami sa bahay ni Manang Malena. Wala roon si Selsa. "Ina, ano na pong gagawin natin? Wala po si Selsa---" "Hindi pwedeng malaman ng ama mo na nawawala si Selsa. Hintayin na muna nating matapos ang misyon. Naintindihan mo?" agad akong tumango rito. Nag-aalala ako kay Selsa pero ang pwede lang magawang ay magdasal na ayos si Selsa. Nang gabing iyon ay hindi agad ako nakatulog. Nanood na lang ako ng TV habang si ina ay nasa labas pa kasama si Manang Malena. Kalilipat ko nang kalilipat ng palabas ay huminto iyon sa dalawang taong nagtatalik na ang tanging takip sa kanilang katawan ay kulay puting kumot. Maingay ang babae. Habang ang lalaki naman ay awang ang bibig. "Manika, ano ba iyang pinanonood mo?" biglang pasok ni ina. Takang tinignan ko ito. "Nagtatalik po sila, ina," sagot ko. "Sa ganyang paraan po ginagawa ang mga anak 'di ba?" inagaw ni ina ang hawak kong remote. "Lintik ka, Manika! Huwag mong panoorin," pinatay nito ang TV. "Bakit po? Bastos po ba? Hindi po ba't tama lang na paanorin iyong ganyan para matuto ako at magawa ko sa mapapangasawa ko?" narinig namin ang tawa ni Manang Malena. "Kaalaman po ang matututunan ko d'yan, ina. Kapag may asawa na ako ay tiyak na matutuwa ang mapapangasawa ko dahil hindi ko siya bibiguin," natapik ni ina ang kanyang noo. "Masyadong inosente pala itong si Manika, Lourdes," sumilip pa si Manang Malena sa pinto at ngiting-ngiti sa akin. "Gusto ko pong matuto, ina," lumapit ulit si ina at pinalo ako sa balikat. "Magtigil ka, Manika. Baka kung iba ang makarinig na sinasabi mo iyan ay isipin nilang ganyang uri ka ng babae," napasinghap ako. "Totoo po, ina?" tanong ko rito. "Oo, anak." "Lourdes, masyadong inosente si Manika. Hindi pwedeng iwang mag-isa dahil baka gamitin ang kainosentihan niya laban sa kanya." "Kaya kailangan bantayan. Matulog ka na, Manika." Wala na akong nagawa kung 'di sundin ito. Sumampa na ako sa higaang malambot. Pero nasaan na kaya si Selsa? -- Paggising ko kinaumagahan ay nakita ko si ina na abala sa kahong dumating kahapon. Pero ang laman no'n. Napakaraming pera. "Ina?" tawag ko sa kanya. Agad itong sumenyas sa akin na huwag akong maingay. Itinabi rin niya agad iyon. "Saan po galing ang mga iyan? Napakaraming po, ina." "Galing sa ama mo." "Saan po kinuha ni ama?" "Doon sa sponsor ng pangkat. Huwag nang magtanong, Manika. Magagamit natin ito para sa plano natin," tumango-tango ako. "Manika, kailangan maisagawa natin ang plano. Naintindihan mo ako?" "Opo, ina," tugon ko rito. "Kailangan mong mag-ingat, anak. Hindi tayo pwedeng mabigo." Niyakap ako ni ina kaya naman yumakap din ako rito. "Kinakabahan ako, ina. Pero kakayanin natin ito. Magtatagumpay tayo sa plano." "Nag-utos na si Malena sa kakilala niya na hanapin si Selsa. Binilinan ko na rin na huwag na lang munang ipaalam sa ama mo. Kaya mag-iingat ka rin. Kapag magtanong ang iyong ama kung nasaan si Selsa ay sabihin mong isinama ng anak ni Malena at babalik din sa susunod na araw." "Pupunta ba rito si ama, ina?" tumango ang ginang saka ipinakita sa akin ang telepono nito. Alam ko iyon dahil minsan na akong nakakita ng gano'n kay Kuya Bok. Pero hindi ako marunong gumamit dahil hindi ko naman daw kailangan matutunan. "Pnta aqu Dyan mya." Salubong ang kilay na tinignan ko si ina. "Hindi po ba marunong mag-spelling sa Tagalog si ama, ina? Bobo ba siya?" agad itong natawa't umiling. "Anak, hindi kailangan buuin ang mensahe sa text. Ang sabi niya rito ay Punta ako d'yan maya... o mamaya." Napatango-tango ako. "Ina, marami pa talaga akong hindi alam 'no. Mangmang ako, ina." "Manika, hindi ka mangmang. Sa totoo lang ay matalino ka at mabilis makaunawa. Limitado lang pero hindi mangmang," pero tiyak kong sinasabi lang iyon ni ina dahil anak niya ako at ayaw niyang masaktan ang damdamin ko. -- Hapon dumating si ama. Agad akong yumakap dito pagpasok pa lang niya ng pinto. "Ama," galak na ani ko. "Mukhang na-miss ako ng maganda kong anak. May pasalubong ako sa 'yo, Manika." Excited na ipinakita nito ang isang teddy bear sa akin. Mayroon din akong ganito sa bundok. Lumang-luma nga lang. "Ama, ang ganda po!" tuwang ani ko saka iyon niyakap. "Nagustuhan mo?" pinisil pa nito ang aking baba. Todo tango ako. Saka ko iyon ipinakita kay ina na alam kong galak na galak din na masaya ako. "Salamat, ama!" pinagmasdan ko ang laruan. Malaki na ako pero masaya pa rin ako sa ganitong bagay. Hindi naman iyon masama 'di ba? "Manika, may pag-uusapan kami ng iyong ina. Nagtungo ka muna sa silid---" "Ama, lalabas na lang po ako. Mayroon pong upuan sa labas. Doon na lang po ako," nagmadali rin akong lumakad palabas para hindi na nito mapigilan pa. Paglabas ko'y naupo na muna ako sa upuan. Pinagmasdan ang bagong teddy bear. "Ang ganda mo naman. Ano bang magandang ipangalan sa 'yo?" seryoso akong nag-isip. "Aha! Gusto mo bang tawagin kitang Princess? Ikaw na si Princess. Ang ganda ng pangalan mo 'di ba?" sabay yakap kong muli rito. Habang naroon ako ay nakarinig ako ng malakas na tugtog sa labas. Agad akong tumayo at sumilip sa bakod na parang rehas. Makukulay na sasakyan ang naroon. May mga taong nakalulan na parang mga prinsepe at prinsesa. Agad akong tumakbo patungo sa gate at binuksan iyon. Napapapalakpak pa ako sa labis na tuwa. Ngunit habang dumaraan ang mga sasakyan na makukulay ay bigla na lang akong binato... binato ng gobernador. Oo, si Governor Kalbo. Binato niya ako ng candy. Candy ang tumama sa ulo. Bakit niya ako binato? Mukhang totoo talaga ang balitang masama ang ugali nito. Titig na titig ito sa akin. Sinimangutan ko naman siya at inirapan. Hindi ko matanggap. Bakit ako binato? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Nakita ko pa na muling nambato ang lalaki ng candy. Tuwang-tuwa naman ang mga tao. Bakit sila natutuwa na binabato sila? Gano'n na ba kalala ang impluwensya ni Governor? Kahit namamato ay natutuwa pa sila? Diyos ko! Labis na yata nitong nabilog ang ulo ng mga tao rito. Nakalayo na ang mga sasakyang makukulay. Ako naman ay isa-isang dinampot ang mga candy na ibinato sa akin. Bakit kaya candy ang ibinato at hindi na lang bato? Nakatitig ako roon nang lapitan ako ni Manang Malena. "Anong iniisip mo?" tanong nito sa akin. "Manang Malena, bakit po candy ang ibinato ng gobernador at hindi bato?" "Aba'y bakit naman bato?" balik ding tanong nito. "Kasi po namamato siya---" "Hindi gano'n iyon, Manika. Naghahagis sila ng candy pero hindi intensyon na mambato. Namimigay sila." Gano'n ba iyon? "Manang Malena, iyong gobernador na kalbo... marami na raw siyang nagawa rito sa lalawigan ng San Gabriel. Totoo po ba?" gusto ko lang kumpirmahin. "Maraming nagawa? Naku! Tiyak namang mas malaki ang nakuha niyang pera ng mamamayan mula sa pondo ng bayan. Hindi mabuti ang gobernador na iyon, Manika. Huwag kang papauto," tumango na lang ako. Tiyak na mas alam naman ni Manang Malena ang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD