Paglabas ko ng banyo ay nadatnan ko ng tulog si Manika. Mahimbing ang kanyang tulog at bakas sa mukha niya ang lungkot. Nalungkot ako na makita siyang ganito. Nasasaktan ako para sa aming dalawa. Makaka-move-on din kami sa pagkamatay ng anak namin. Not today but I know soon. Mahirap itong tanggapin sa una dahil matagal ko siyang hinintay. Ilang beses ko siyang pinanalangin sa Diyos pero siguro nga hindi pa panahon para ibigay siya sa amin. Next time, we will be careful. Sisiguruhin ko na aalagaan ko ng mabuti si Manika at ang aming magiging supling. Nagbihis ako ng mabilis at pagkatapos ay hinarap ko ang mga trabahong naiwan sa opisina na in-forward na lang ni Mrs. Reyes sa email ko. Ire-review ko lang naman ito at pipirmahan. On leave pa rin ako dahil gusto ko munang alagaan si Manika