“SINO ang kausap mo?” ulit na tanong ni Sky Jewel. Wala naman siyang pakialam kung sino man ang kausap nito sa cellphone. Mas iniintindi niya sina Axel. “T-tama ba ako sa nakita ko na mga taga-kabilang isla ang sakay ng kakaalis lang na bangka? At ano ang sabi nila sayo?” sunod-sunod na tanong niya rito. “Pinapasundo na ba ako ng Boss nila?” Namulsa si Reese pagkatapos ilagay sa loob niyon ang cellphone na hawak nito kanina. At saka naglakad palapit sa kaniya. “You’re right. Mga tauhan nga sila ng may-ari sa kabilang isla. Pinapatanong daw ng boss nila kung nandito ka.” Parang hindi yata siya makahinga sa narinig. “A-ano ang sabi mo?” “I said yes. At gusto ka nilang bawiin. But don’t worry. Dahil sinabi ko naman sa kanila na kung gusto ka nilang makuha, dapat kusa kang sasama. Pero kung