HINDI nag-tagal ang kanilang paguusap. Hindi na mas’yadong nagsasalita si Levai na tila ang dami n’yang iniisip. Hanggang sa nag-paalam na si Historia na umuwi pero wala paring nai-usal na kahit anong salita si Levai. Humakbang agad ako ng mabilis para marating ang dining room at makapag-tago. Huminto ako sa gilid ng pintuan banda habang pinapakinggan ang mga yapak ni Historia na palabas sa living room. Pinaramdamam ko pa iyon hanggang maka-baba na s’ya sa living room. Nagdadalawang isip ako kung papasok ako sa kinaroroonan ni Levai o hindi. Pero huminga ako ng malalim bago inihakbang ang mga paa para maglakad papasok sa living room. Matigas akong tumikhim na’ng bumungad ulit sa paningin ko si Levai na hindi pa rin nagbabago ang kan’yang posis’yon. “A-Ano, nakapagusap ba kayo ng maayos?”