Chapter 50: Revenge of a Jilted Lover

1774 Words

Pagkalabas na pagkalabas ni Calix sa silid ng asawa ay napangiti siya. Hindi niya inaasahan na ganoon kasaya ang pakiramdam niya. Kung wala lang sigurong problema kay Geraldine ay masaya na silang namumuhay bilang mag-asawa ni Samantha ngunit nang maalala ang kasintahan at ang kalagayan nito ay napalis ang ngiti sa kaniyang labi. Isang mabigat na responsibilidad ang nakaatang sa kaniyang balikat lalo pa at hindi lamang natatapos sa pagbibigay sa pinansyal na aspeto sa magiging anak. Hindi habang buhay ay maitatago iyon kay Samantha at ngayon pa lamang ay natatakot siya sa magiging reaksyon nito at sa muli nitong paglayo sa kaniya. Pagkapasok sa sasakyan ay napasapo siya ng ulo. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya kung sasabihin na ba sa asawa habang maaga pa o hahayaan na lamang i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD