Nang makaalis ang asawa ay mabilis na bumalik sa silid dahil wala naman siyang gagawin. Siguro pagkakataon na rin niyang aralin ang may kakapalang folder na binigay ni Greg sa kaniya upang handa na siya kapag nagsimula na siya sa kaniyang magiging trabaho. Sa totoo lang ay kabado siya sa panibagong buhay na tatahakin. Ngayon lang siya kinabahan sa tanang buhay niya ngunit kailangan niyang gawin iyon para sa kaniyang sarili. She wanted to grow as individual, prove herself to her parents and improve her life. Bigla tuloy ay na-miss niya ang kaniyang mga magulang. Mabilis na inabot ang kaniyang cellphone at tinawagan ang mga ito. Ilang linggo ring tinikis ang mga ito dahil sa biglaang plano ng mga itong pagpapakasal sa kaniya. Medyo naghinampo siya pero wala rin palang silbi dahil tila nama