Chapter 48: The Hidden Plans

1638 Words

Nananakit ang buong katawan ni Samantha pagkagising. Napadilat agad siya ng mga mata ng maalalang kasama si Calix. Isang matamis na ngiti ang namutawi sa kaniyang labi nang makita ang payapang mukha ni Calix na natutulog sa kaniyang tabi. Batid na malalim pa ang pagtulog gawa ng panaka-naka at munti nitong paghilik. Hindi niya tuloy maiwasang pagmasdan ito lalo pa at kahit tulog ay napakaguwapo pa rin nito. Hindi alam kung papaano sila nakarating sa silid at sa kamang kinahihigaan. Ang tanging naaalala lamang ay matapos ang mainit na sandali sa piling nila ay napasandal siya sa balikat nito. Marahil sa pagod at pagal ng katawan gawa ng maghapon sa labas at makailang ulit na pagpapaubaya kay Calix ay hindi na niya nakayanan ang antok. "I love you," bulong niya habang nakatitig sa payapa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD